Advertisers
Laro Bukas
AUF Gym
FINALS (GAME 2) Best-of-7
(6:00PM)
Ginebra vs TNT
SUMANDAL ang Barangay Ginebra sa kanilang malagkit na depensa sa overtime session upang ilista ang 100-94, wagi laban sa TNT Tropang Giga sa pagsimula ng Philippine Basketball Association Finals sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.
Pinamunuan ni Japeth Aguilar ang opensa ng Ging Kings sa kinamadang 25 points,16 rebounds, one assists at one block para sa Ginebra, na ngayon ay 1-0 sa best-of-seven series.
Nagdagdag si Stanley Pringle ng 24 points, seven rebounds, seven assists at two steals.
Tenorio, na tumulong ipuwersa ang overtime sa assists kay Arvin Tolentino para e-set up ang panablang layup sa limang segundong nalalabi sa regulation, ay may sariling double-double na 12 points at 10 assists at five rebounds.
Ray-Ray Parks nagtapos ng 20 points, four rebounds, four assists, five steals, at two blocks para sa Tropang Giga, ay na fouled out sa 31 segundong nalalabi habang inaagaw ang bola kay Tenorio.
Ang Game 2 ay nakatakda sa Miyerkules ng gabi.