Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KASALAN na nga ba ang next? Ito ang tsika ng netizens nang makita ang diamond ring sa daliri ni Jessy Mendiola.
May mga sitsit kasi na engagement ring na raw ang suot ni Jessy.
Marami naman natuwa na followers ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy.
Finally nga raw ang dream ni Ate Vi na magka- apo sa panganay nito na si Luis ay magkakaroon na ng katuparan.
Sa IG post ni Jessy ay ibinandera nito ang kanyang diamond ring.
At dahil dun ay umugong ang tsika na malapit nang ikasal ang magkasintahan.
May isang netizen naman ang nagkomento na bska raw collection lang ni Jessy ang diamond ring na post nito sa kanyang socmed.
Wala rin daw masama kung mag-settle down na ang couple dahil nasa hustong gulang na ang mga ito at karapat-dapat nang magpakasal nang mabigyan na ni Luis ng apo ang kanyang mudra na atat na maging lola.
Till now eh tikom pa rin ang bibig ng celebrity couple kung may plano na silang magpakasal this year or next year.
***
Non of her business na…
Sunshine wala nang care kay Cesar
MAY mga gusto na nga na mag-move on ex- couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.
Nagpaparunggitan pa rin daw ang dalawa kaya gusto naman ng concern na mag-move on na sila.
Pero sa pananalita ni Sunshine, non of her business na umano si Cesar at wala siya pakialam kahit anong gawin nito.
Taong 2018 pa annulled ang kasal ng dating mag-asawa kaya wala na anyang pakialaman ang mga ito.
Mas concentrated daw si Sunshine sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Sam at Cheska.
Bukod sa tatlong Maria ay mas tutok ngayon si Sunshine sa kanyang work kaysa bigyan pansin pa ang ex-dyowa.
Kaya alam na nga raw kung bakit binabalewala at no pansin na ni Shine ang ama ng kanyang mga anak.
Well, well, well… ‘Yun na!