Advertisers
ILALABAS na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang nasa P3.3 bilyong halaga ng cash gifts para sa mga pensiyonado simula bukas, Disyembre 1.
Ayon kay GSIS President Rolando Macasaet, makatatanggap ngayon ang mga pensioners ng Christmas Gift na nagkakahalaga ng isang buwang pensiyon.
Ang mga nakatanggap naman ng higit P10,000 noong 2019 ay makatatanggap naman ngayong taon ng P12,600 cash gift.
Kasama sa makatatanggap ng Christmas cash gift ang mga retirado at disability pensioners ng GSIS na regular na nakakatanggap ng buwanang pensyon at nabubuhay pa.