Advertisers

Advertisers

Budget increase sa infra projects sa ilang distrito kagagawan ng DPWH – Rep. Yap

0 219

Advertisers

NILIWANAG ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na ang Department of Pulic Works and Highways (DPWH) ang nag-reallocate ng pondo sa ilang distrito.
Ang pahayag ay ginawa ni Yap matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson noong nakaraang linggo na nadagdagan ang pondo ng ilang mga kongresista na kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco, habang nabawasan naman ang sa mga malapit kay dating Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Vilafuerte, dating deputy speaker na kilalang malapit kay Cayetano, kabuuang P386 million ang kinaltas sa budget ng kanyang distrito.
Pero sinabi ni Yap na maaring inilipat ng DPWH ang pondong ito sa mga proyekto na inaasahang matatapos naman sa 2022.
“I think nilipat ng DPWH ‘yun sa mas priority, dun sa matatapos by the end of 2022. So ang bottomline po ay ang nag-realign po is ang DPWH, and we just adopted the amendments given to us by the department,” saad ni Yap sa isang panayam.
Iginiit ni Yap na hindi siya kaalyado ni Cayetano o Velasco, pero ang probinsya ng Benguet, na kanyang hinahawakan bilang caretaker, ay nakatanggap ng budget increase sa ilang road cuts at road slips na gumuho dahil sa landslide.
Ngayong malapit nang magkita-kita ang mga bumubuo sa bicameral conference committee para sa 2021 proposed national budget, binigyan diin ni Yap na walang nakatagong pork barrel sa ilalim ng General Appropriations Bill.