Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad itinumba

0 280

Advertisers

PATAY ang isang barangay kagawad nang barilin ng hindi kilalang salarin nitong Lunes ang umaga sa Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Engr. Ponciano S. Villamil, kagawad at residente ng Sitio Lower Suran, Barangay Kinasang-an ng nasabing lungsod.
Sa report, 11:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa Sitio Adelfa, Barangay Kinasang-an.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi malamang direksyon.
Nabatid mula sa mga Lupon Tagapamayapa ng nasabing barangay, marami silang natatanggap na reklamo laban kay Villamil na may kinalaman sa lupa.
Inaalam na ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen.