Advertisers
Muling nagpatupad ng balasahan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Denold Sinas sa senior police officials.
Sa kautusang itinakda noong Nov. 29, inilagay sina Maj. Gen. Celso Pestaño, head ng Directorate for Information and Communication Technology (DICTM) at Brig. Gen. Wilfredo Cayat, Commandant of Cadets ng PNP Academy (PNPA) sa Office of the Chief PNP (OCPNP).
Habang ang mga pinalitan naman na sina Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro mula sa Police Regional Office-Central Visayas (PRO 7) at Brig. Gen. Conrado Gongon Jr. mula sa Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao (DIPO-WM), itinalaga sa Communications and Electronics Service (CES).
Pinalitan naman ni Gongon si Brig. Gen. Joey Runes na siyang napalagay sa OCPNP.
Gayundin si Brig. Gen. Danilo Macerin mula sa Directorate for Operations (DO) ay itinakda sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) habang si Brig. Gen. Ronnie Montejo, chief of the Quezon City Police District (QCPD) ay nasa PRO 7.
Mula naman sa PRO 6 (Western Visayas), inilagay si Brig. Gen. Rene Pamuspusan sa Directorate for Plans (DPL) habang si Brig. Gen. Antonio Yarra ay nasathe NCRPO mula sa PRO 4-A (Calabarzon).
Inilipat din si DPL, Maj. Gen. Jonas Calleja sa OCPNP habang si Brig. Gen. Jesus Cambay Jr. ay nasa Directorate for Integrated Police Operations-Southern Luzon (DIPO-SL).
Mula sa OCPNP, inilagay si Brig. Gen. Walter Castillejos sa DPL habang si Brig. Gen. Eliseo Cruz ay nasa NCRPO mula sa DPL.
Samantala, itinalaga naman si Directorate for Human Resource Doctrine and Development (DHRDD) chief Brig. Gen. Armando de Leon sa DICTM habang si Brig. Gen. Leo Francisco sa NCRPO.
Brig. Gen. Rolando Miranda, director of the Manila Police District (MPD) was assigned to PRO 6; Brig. Gen. Mario Rariza Jr, from DIPO SL to OCPNP; Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr., from DICTM to DHRDD; and Brig. Gen. Ronaldo Evangelista Ylagan, from Northern Police District (NPD) to PRO 9.
Bukod pa rito may mga opisyal pang napasama sa nasabing balasahan na epektibo simula December 1.