Advertisers
TATLO katao ang nasawi sa nangyaring head on collision sa pagitan ng motorsiklo at jeep sa Iriga City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lorena Alfelor, 40 anyos, ng Baao, Camarines Sur; Margie Musa, 38; at Lauren Alfelor, 21, ng nasabing lungsod.
Ayon kay PLt.Col. Alejandro Monge, hepe ng Iriga City Police Station (CPS), habang papasok sa Barangay San Pedro, Iriga City ang mga biktima sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Lauren, nakabanggaan nila ang isang jeep na palabas naman sa barangay.
Sa report, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklarang ‘dead on arrival’ ng mga doktor.
Tumakas ang driver dala ang jeep.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang driver at ang jeep nito.