Advertisers

Advertisers

Sec. Año tutol sa panawagang pagdaraos ng face-to-face class

0 200

Advertisers

TUTOL si Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa panawagan na payagan magsagawa ng face-to-face na klase sa ngayon dahil sa posibleng pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.
Ayon kay Año, hindi kailangan madaliin ang pagsasagawa ng face-to-face class ng mga estudyante dahil sa mataas pa ang bilang ng kaso ng covid-19 sa bansa.
Igiit naman ni Año na milyon ang mga estudyante na dadagsa sa mga paaralan at napakahirap nang makontrol nila sakaling payagan ang pagdaraos ng face-to-face class.
Sinabi ni Año na sundin na lang ang utos ng Pangulo, sa susunod na taon ay maraming pagbabago na magaganap.
Nauna rito, sa ginanap na hearing sa Senado, nagpahayag ng pagsuporta si Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, sa pagdaraos ng localized at limitadong pagdaraos ng face-to-face classes upang maibsan ang bigat ng problema ng mga magulang na walang sapat na kaalaman upang turuan ang kanilang mga anak sa bahay.
Sinabi ng senador na bumubuti na ang sitwasyon sa ilang lugar sa bansa. (Mark Obleada)