Advertisers

Advertisers

Pulis sugatan sa ambush sa Zambo

0 206

Advertisers

SUGATAN ang isang pulis nang tambangan sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si SMS Leo E. San Juan ng Vitali Police Station at tubong Barangay Tumaga Porcentro nitong lungsod.
Sa ulat, nakasakay sa kanyang sasakyan ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang katawan at agad na isinugod sa ospital.