Advertisers

Advertisers

PULIS NAKIPAGTALO SA ‘ASSET’, NABARIL ANG SARILI

0 345

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang aksidenteng mabaril ang sarili sa gitna ng mainitang pakikipagtalo nito sa “asset” ng pulisya sa Cadiz City, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO 6), kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Bernie Sales, 37 anyos, intelligence operative ng Sagay City Police sa lalawigan.
Ayon sa report, 8:00 ng gabi habang nakikipagpulong ang biktima sa tatlo nilang assets sa may Barangay Zone 4 nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng una at isa sa informants.
Kinuha ni Sales ang baril niyang cal. 9mm pero tinangka umano siyang awatin ng isang asset pero aksidenteng pumutok ito at tumama sa katawan ng una.
Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.
Sinisiyasat pa ng pulisya kung may “foul play” sa insidente.