Advertisers
Kinakailangang mag-download ng contactless tracing app ang mga residente at mga bibisita sa Pasig kasabay ng pagluwag ng quarantine restriction.
Libreng mada-download ang PasigPass kungsaan kinakailangang magrehistro ang mga residente at bibisita sa nasabing lungsod.
Kinakailangan munang mag-sign up sa website, sagutan ang mga hinihinging impormasyon pagkatapos ay mabibigay ito ng QR code.
Ayon sa Pasig City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), maging ang mga government office at mga pribadong establisyimento ay obligadong magpatupad ng “No PasigPass, No Entry” policy.
“Halimbawa, pumunta ka sa isang establishment, during that time, may confirmed case kang nakasalamuha nang matagal, ia-alert ng sistema kami sa CESU na i-contact trace ang mga tao na nakasalamuha doon sa specific na oras.,” ayon sa CESU.
May mangilan-ngilan pang negosyo ang hindi pa rehistrado, kaya mano-manong pagsulat sa contact-tracing form ang mga customer.
Hinihikayat naman ang mga walang smartphone na sa help desk ng bawat barangay mag-register para makakuha ng QR code na gagamitin. (Gaynor Bonilla)