Advertisers

Advertisers

Municipal administrator sa Cagayan patay sa ambush

0 285

Advertisers

Cagayan – Patay ang isang municipal administrator ng bayan ng Lasam dito nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Callao Norte ng naturang bayan.
Sa ipinarating na ulat ni Police Capt. Pablo Tumbali, hepe ng PNP Lasam, kay Lt. Col. Andree Camhol Abella, PIO ng Police Regional Office 02, nagtamo ng pitong tama ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na si Benjamin Agatep, residente rin sa naturang bayan.
Nabatid na papunta si Agatep sa Centro para tingnan ang kanyang mga kasamahan na mag-biking. Nang nasa mabukid na bahagi ng kalsada na ito, sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ang opi-syal.
Napag-alaman na nakasakay ang mga salarin ng tatlong motorsiklo at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.
Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya sa krimen.
(Rey Velasco)