Advertisers
PLANTSADO na ang unang bahagi ng schedules sa pagbabalik ng NBA season para sa 2020-2021.
Ito ay matapos ang draft at trades ng ilang teams para magpalakas sa muling pagbubukas sa susunod na buwan.
Sa December 1 ay simula na ng training camps na susundan ng preseason games bago naman ang December 22 tip-off.
Agad na umagaw ng pansin ang unang araw ng mga laro sa December 11 dahil sa harapan ng magkaribal na Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.