Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,579 gumaling; 40 nasawi; 2,076 bagong kaso

0 212

Advertisers

SUMIRIT na sa 398,624 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nakamamatay na sakit na Coronavirus disease matapos na makapagtala ngayong araw, Nobyembre 29, ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 10,579 recoveries mula sa Oplan Recovery.
Gayunman, nadagdagan naman ang kaso ng sakit ng 2,076 na bahagya muling tumaas kaya umabot na sa 429,864 ang kabuuang kaso sa bansa.
Nadagdagan din ng 40 ang pumanaw dahilan para maging 8,373 na ang COvid-19 related deaths.
Bumaba naman sa bilang na 22,867 ang aktibong mga kaso na ang mild at asymptomatic case ay nasa 90.4%.
Ang Quezon City naman ngayon ang nanguna sa may pinakamataas na naitalang kaso ngayong araw na may 137.
Pumangalawa ang Laguna na may 122 na sinundan ng Cavite sa bilang na 103.
Sa Batangas ay may 96 na kaso habang 79 naman sa Angeles City. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)