Advertisers

Advertisers

“Bata” ng mayor ang bumira sa anti-illegal ops ng PNP sa Cagayan

0 218

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine National Police (PNP) Region 2 ang mga ulat na “bata” ng alkalde sa Cagayan Valley ang naarestong umatake sa mga pulis sa ikinasang anti-illegal logging operation ng mga awtoridad.
Ayon kay PNP Region 2 Director, Brig. General Crizaldo Nieves, iniimbestigahan nila ang ulat na protektado ng isang alkalde ang naa-resto na si Ernest Sibbaluca.
Maging ang ilang politiko at lokal na pulisya ay iniim-bestigahan narin sa posibleng pagkasasangkot sa insidente.
Matatandaan na nitong Sabado ay iniatas ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang manhunt laban sa mga illegal logger na umatake sa mga pulis sa Cagayan nitong Huwebes.
Nasugatan si Lt. Randy Baccay nang pagbabarilin sa Bgy. Minanga, Lagtum Area.
(Gaynor Bonilla)