Advertisers
NALITSON ng buhay ang dalawang menor de edad nang ma-trap sa loob ng kanilang bahay na sinadyang sunugin ng kanila tiyuhin sa bayan ng Catarman, Northern Samar.
Ang mga biktima ay edad 16 at 13 anyos na pamangkin ng salarin na si Fernando Ford Frigillana, 39, residente ng naturang bayan.
Ayon kay SFO2 Rubin Calumpiano ng Catarman, unang naghamon ng away ang salarin at kumuha ito ng itak dahil sa sobrang kalasingan.
Matapos ang ilang minutong komosyon ay nasita ito ng kaniyang pamilya at nagdesisyon na magpahinga muna.
Pero pagsapit ng hating-gabi ay nagising na lamang ang pamilya ni Frigillana na nasusunog na ang kanilang bahay.
Hindi nakalabas ng bahay ang mga biktimang dahil sa mahimbing na pagkakatulog .
Samantala, nanatili naman sa kostudiya ng kapulisan si Frigillana habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.