Advertisers

Advertisers

PVL, professional volleyball league na- GAB

0 245

Advertisers

SA pagpinid ng pintuan ay may nagbukas na bintana ng pag-asa. Nang sumailalim ang bansa sa lockdown bunsod ng pandemyang Covid-19, nagkaroon naman ng pagkakataon ang pamunuan ng Philippine Volleyball League na pagtuunan na ang pagsakatuparan ng makasaysayang planong gawing professional ang naturang school-based volleyball league.
Nakatakdang tanghaling kauna-unahang professional league sa bansa ang PVL matapos selyuhan ang huling mga dokumento na isinumite sa Games and Amusements Board (GAB) – ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa at nagpapatupad ng regulasyon sa professional sports sa bansa.
‘Masaya po kami sa GAB at nakikiisa na rin ang PVL sa aming programa at layunin ang ayusin ang pagpapatakbo ng mga liga sa professional level. Ang GAB sanctioned po ay hindi dapat katakutan, bagkus makatutulong po ito para mapatakbo ng mas maayos ang liga at protektado ang mga players ang indibidwal na sangkot dito,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
“Ngayon pong na-realized ng PVL ang kahalagahan ng sanctioned ng GAB na matagal na naming ipinaliliwanag sa kanila, I congratulate the officers and team owners sa kanilang desisyon,” aniya.
Matagal nang may negosasyon ang GAB sa PVL at iba pang liga na hindi sakop ng Philippine Sports Commission (PSC) at collegiate league.
“Yun nga although school-based yung PVL, yung mga estudyanteng players at mga import nila ay may mga kontrata. Matagal na po naming itong sinasabi na kung ang players ay tumatanggap ng suweldo kahit sabihan pa nating allowances at may kontrata, professional po ang liga,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.
Sa kasalukuyan, nagpahatid na rin ng intensyon ang Beach Volleyball Republic, Inc. (BVR) na magpasailalim sa regulasyon ng GAB bago ang pagsisimula ng kanilang bagong season sa Enero. Bukod sa dalawang liga, ang Philippine Super Liga (PSL) na pinangangasiwaan ni athletics president Philip Ella Juico, ang isa pang volleyball league na binubuo ng mga pribadong kumpanya, habang ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senator Manny Pacquiao ay hindi pa rin tumatalima sa memorandum ng GAB.
“Ginagawa naman po naming ang lahat. Kinakausap naming sila at ipinaliliwanag ang senaryo at kahalagahan na mapasailalim sa regulasyon ng GAB ang kanilang liga. Para po ito sa kapakanan ng kanilang mga atleta at players. Hopefully, ma-realized nila at kami naman po sa GAB ay naghihintay lamang ng kanilang tugon,” pahayag ni Mitra.
Iginiit ni Mitra na nagkasundo na ang GAB at PSC kamakailan sa nilagdaang GAB-PSC Joint Resolution No. 2020-01 para maklaro ang kapangyarihan sa pagitan ng professional at amateur athletes.
Iginiit ni Mitra na bukod sa naturang guidelines, nagpasa rin ang GAB Board ng resolusyon para magpalabas ng ‘Special Guest License’ kung saan pinapayagan ang college players na maglaro sa professional league bilang bahagi ng pagsasanay at sa limitadong panahon lamang.
“Lahat po ng paraan para po matulungan ang ating mga atleta ay ginawa ng GAB para sa kanilang kapakanan,” sambit ni Mitra.(Danny Simon)