Advertisers

Advertisers

Bentahan ng pekeng ‘CopperMask’ talamak sa Divisoria, social media

0 240

Advertisers

PINAALALAHANAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko na mag-ingat sa laganap na bentahan ng pekeng CopperMask sa ilang lugar sa Divisoria, social media at maging sa ilang online stores.
Ayon sa CopperMaskPH, ang kompanyang gumagawa ng CopperMask dito sa bansa, lumapit sila sa NBI para humingi ng tulong at pigilan ang ilang indibidwal na nagtatangkang manlamang o manloko sa publiko sa pagbebenta ng peke at imitasyon ng produkto nila.
Ang CopperMask ang kauna-unahang facemask na may natural antimicrobial at self-disinfecting property, at ang bukod tanging katangian ng elementong copper o tanso na nakapaloob sa facemask na ito.
Ang mga nasabing pekeng produkto ay nagtataglay ng kakaunti o baka walang taglay na “Infused Copper Strands” na siyang pangunahing materiales para sa pagiging epektibo ng produkto, at ito ay ibinebenta sa halos bagsak at malayo sa itinakdang presyo ng nasabing kumpanya na siyang matibay na senyales na peke at imitasyon ang mga nasabing produkto.
Nakatutok na ang NBI sa kasong ito at nagsabing huhulihin ang mga indibidwal na mapatutunayang nagbebenta ng mga pekeng CopperMask.(Jocelyn Domenden)