Advertisers
NAKATANGGAP umano ng isang plastic bags na puno ng bigas na bulok ang mga residente ng Virac, Catanduanes, isa sa mga lugar na sinalanta ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses.
Ayon kay Barangay Igang Chairman Ronnie Clemente, bumalik ang mga residente sa kanila at inirereklamo ang mga bigas na umano’y bulok, mabaho at hindi na maaaring kainin.
Ganito rin ang inirereklamo ng mga residente ng Barangay Simamla na nakatanggap rin ng ayudang bigas.
Itinanggi naman ni Virac Mayor Sinforoso Sarmiento na galing sa lokal na gobyerno ang mga bigas na bulok.
Sinabi naman ng Provincial Social Welfare Development Office na agad nilang itinapon ang lahat ng bigas na umano’y nalagyan ng lupa dahil sa lakas ng ulan.
Matatandaang una nang inihayag ng National Food Authority sa Catanduanes na ang sako-sakong bigas na ipapamahagi sana sa mga biktima ng bagyo ay nabasa ng ulan.
Tiniyak naman ng lokal na otoridad na iimbestigahan nito ang insidente.