Advertisers

Advertisers

Tuguegarao Mayor lagot sa DILG: ‘Missing’ nang lumubog sa baha ang lungsod

Inuna ang ‘hapi-hapi’ kesa sa kanyang constituents

0 1,128

Advertisers

Nakatakdang isyuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng show cause order si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa umano’y pag-absent nito habang binabaha ang kanilang Lungsod.
“Yes, we will issue a show cause order,” wika ni DILG Undesecretary Jonathan Malaya.
“The mayor is the father of his city and he cannot just leave his constituents in the middle of a disaster just to celebrate his birthday,” dagdag nito.
Naungkat ang isyu nang mag-post sa social media ang anak ni Mayor Soriano na si Bea Dee kungsaan sinabi nito na nagtungo sa Metro Manila ang kanyang ama upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan na kasama ito.
Sinabi rin mismo ni Soriano na wala siya sa Tuguegarao nang bumaha sa siyudad noong nakalipas na linggo.
“There was no typhoon signal, so I asked the permission of the provincial government,” wika ni Soriano sa isang briefing. “Umalis po ako dito last Sunday afternoon.”
Paliwanag pa ni Soriano, sinubukan nitong bumalik sa Tuguegarao noong Biyernes ng gabi ngunit nabigo ito dahil sarado na ang North Luzon Expressway.
Nakabalik lang daw siya sa siyudad nitong Sabado.
“Under Oplan Listo, mayors are supposed to be on alert 48 hours before the landfall of a typhoon and even after the typhoon to conduct relief operations and to prepare for transition to recovery and rehabilitation,” ayon kay Malaya.
Hindi aniya dahilan para lumiban at mag-absent si Mayor Soriano para i-celebrate ang kaarawan ng kanyang anak habang kasagsagan ng kalamidad. ( Rey Velasco)