Advertisers

Advertisers

MPD, GEN. MIRANDA, PINURI NI ISKO

Dahil sa pagkilos sa kasagsagan ng bagyong Ulysses:

0 469

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) at gayundin ang hepe nitong si Gen. Rolly Miranda sa ginawang pagtulong sa kasagsagan ng bagyong Ulysses kahit pa hindi na ito bahagi ng kanilang tungkulin.

Sa kanyang live public address, pinuri at pinasalamatan ng alkalde ang mga kalalakihan at kababaehan ng MPD sa paggampan sa tungkulin na hindi na sakop ng kanilang responsibilidad.

“To the men and women of the MPD, thank you. Inatasan ko kasi sila na manatili sa kanilang field of operation sa kasagsagan ng bagyo. Mahirap at delikado po pero tumugon sila,” sabi ni Moreno.



Ayon sa alkalde ay kahanga-hanga ang ginawang pagtalon sa bakod ng kanilang tungkulin ang mga miyembro ng MPD makatulong lang sa kasagsagan ng bagyo tulad ng pag-aalis ng mga nagkalat ng debris sa kalsada.

“May mga nagtataka bakit ang mga pulis tumutulong magtabi ng mga debris. Nag-volunteer sila na kahit di na nila task ginawa nila. I am so proud of you MPD. Sa lahat ng pulis-Maynila, thank you very much sa inyo,” ayon sa alkalde.Moreno.

Iniulat din ni Miranda kay Moreno na walang insidente ng typhoon-related deaths, missing persons, looting o stranded vehicles na naitala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Samantala ay sinabi ni Moreno na nagpadala na ang pamahalaang Lungsod ng Maynila food packs, medicines at bottled water sa Marikina City na siyang hardest hit sa Metro Manila sa katatapos na bagyo.

Dahil dito ay pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng taga-Maynila sa tulong na ibinigay sa mga residente ng apektadong kalapit na lungsod , dahil aniya ang mga mamamayan ng Maynila ang totoong tumulong sa mga taga-Marikina.



“”Mga Batang Maynila, kayo po ay tumulong. Kasi may paghahanda tayo pero hindi naman nagamit lahat kaya tumulong tayo. Hindi ko pera ‘yan. Taxpayers’ money at resources ‘yan ng mga Batang Maynila. Sobra natin ‘yan sa paghahanda,” sabi ni Moreno.

“Walang masama tumulong kasi di natin alam kung kelan tayo hahambalusin ng delubyo. Hindi natin alam who will come for us. In the meantime, we have the capacity to help and so we did. Kayo po ang tumulong sa ating kapitbahay,” dagdag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)