Advertisers
SASABAK si Grandmaster Wesley So sa $1.5 million Champions Chess Tour simula sa opening na nakatakda sa Nov. 22 to 30.
Ang 27-anyos So,na two-time United champion, ay pang pitong player na imbitado sa online tournament na kinokunsiderang biggest, richest at most prestigious event sa online chess.
Kumpirmado ring maglalaro sina Ding Liren ng China, Levon Aronian ng Armenia,Teimour Radjadov ng Azerbaijan, David Anton ng Spain,Sergery Karjakin ng Russia, at Le Quang Liem ng Vietnam.
May siyam pang players ang nakatakdang imbitahan isa na doon si reigning world champion Magnus Carlsen.
Ang Cavite-born So ay kagagaling lang sa impresibong performance kabilang ang US Championship noong isang Linggo, nang kanyang dominahin ang kumpitesyon para tanghaling isa sa dominant effort sa kasaysayan ng annual meet.
Si So ay kinokonsiderang third strongest performance na maiha-hambing kay dating world champion Bobby Fischer.