Advertisers

Advertisers

Sotto tutol sa mail-in voting sa 2022 elections

0 217

Advertisers

TUTOL si Senate President Vicente Sotto III sa mungkahing mail-in voting para sa 2022 national at local elections.
Ito’y matapos matanong si Sotto kung ang mail-in voting system na ginawa sa US 2020 presidential elections ay magiging epektibo rin ba sa Pilipinas, sakaling magtagal pa hanggang sa 2022 ang banta ng COVID-19 transmission.
Ayon kay Sotto, ito umano ang pinakamadaling sistema ng botohan para makapandaya, kasabay ng maraming katanungan ukol dito.
Kabilang sa mga nabubuong tanong ng lider ng Senado ay kung sino ang tatanggap? kung ito ba ay nationwide? saan ipadadala? Kailan bibilangin? at sino bibilang?
Maliban dito, nangangamba rin ang Senate president sa posibilidad na mag-leak ang resulta. (Mylene Alfonso)