Advertisers
PATAY ang isang lalaking wanted sa lasong rape nang manlaban sa pulis sa Misamis Oriental.
Kinilala ang napatay na si Arnel Saguilong na may warrant of arrest sa salang Rape ng kanyang step daughter noong 2015.
Nakatunog ang suspek sa pag-aresto kaya’t nagtago ito at nagpaulan ng bala.
Nakipagpalitan din ng putok ang otoridad dahilan upang mapaslang ang suspek.
Ang suspek ay hinihinalang miyembro ng KFRG na nasa likod ng pagdukot kay Thelma Lalisan at Laex Bagnol sa Marawi State University noong 2017. (Mark Obleada)