Advertisers
Ang isinasagawa ng Senado ng hearing tungkol sa red-tagging ay hindi lamang pagsisiwalat ng katotohanan pero mas marapat pagdiinan ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko. Dito malilinawan kung sino at ano ang dapat paniwalaan. Red-tagging nga lang ba o katotohanang magbubunyag sa taktika CPP-NPA-NDF. Gamitin ang mga legal front para mag-recruit. – Concerned citizen
Ayuda ng gobierno kailangan nang ipamigay sa sunud-sunod na kalamidad
PANAWAGAN KAY SECRETARY BAUTISTA NG DSWD: MAGTATANONG LANG PO KAMI KUNG NASAAN NA NAPUNTA ANG PANGALAWANG BUGSO NG AYUDA NG SAP NA PARA SA MAMAMAYAN NG MARIKINA NA PINAPAASA SA TULONG NG ATING GOBYERNO DU3O? NASAAN NA PO BA SECRETARY ANG PERA NG SAP? SUNOD SUNOD ANG KALAMIDAD, HIRAP NA ANG MGA MAMAMAYAN. PERA NAMAN NA PARA SA MAHIHIRAP YAN BAKIT AYAW NYO PANG IPAMIGAY? DYAN SA MARIKINA HANGGA SA NGAYON NGANGA PARIN ANG MGA MAY HAWAK NG KALAHATI NG FORM NG SAP. DSWD NASAAN ANG TEXT NG DRAGON DYAN SA BARANGAY TUMANA? MAYOR MARCY! KUMAKATOK PO KAMI ! – BIRADA COBRA
Paging MMDA, Pasay Task Force masikip na ang kalye ng Decena dahil sa vendors
Report ko po dito sa may Decena st., sa sidewalks po, mula dito sa may Footsteps hanggang dulo po sa may Decena, ang dami po dyan nagtitinda. Masyado po pahabaan ng mga latag dyan, ang sikip po, napakahirap po pag dadaan lalo na po sa bandang hapon alas dos, ang sikip na po pag dadaan ng tao. At dito po rin sa may McDo ang aga rin po mag-sipaglatag mga kariton ng fishball, mga palamig. Sumunod naman kayo sa oras kung ano ang palatag sa inyo. MMDA, Task Forces ng Pasay, kilos kayo!!! Dumarami na ang vendors! – Concerned citizen ng Pasay