Advertisers
Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukala na nagpapalawig sa probisyon ng discounted rate, mas kilala bilang lifeline rate, na ibinibigay sa low-income electric consumers na hindi makabayad nang buo sa kanilang electricity bills.
Sa kanyang manipestasyon, binanggit ni Go ang pagkalumpo ng ating ekonomiya na dulot ng COVID-19 pandemic na sanhi rin ng pagsasara ng maraming negosyo kaya libu-libo ang nawalqn ng trabaho.
Dahil dito, marami ring low-income households ang nahihirapang makabayad ng kanilang electricity bills na nakonsumo sa panahon ng ipinatutupad na lockdown.
“Gaya po ng sinabi ko kamakalian sa budget hearing ng Department of Energy, profits should not be prioritized over the welfare of the general public. The government will not tolerate any unfair business practices at a time when people’s lives are at stake,” ani Go.
“Maraming Pilipino po ang naghihirap ngayon dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa. Maraming nawalan ng trabaho, maraming nagsarang negosyo at maraming nagkakasakit. Sana naman ay huwag nating dagdagan pa ang kanilang pag-aalala sa iba’t-ibang mga bayarin,” apela niya.
Ang naturang panukala ay inisponsoran ni Senator Sherwin Gatchalian. Layon nitong amyendahan ang Section 73 ng Republic Act No. 9136, mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001.
Sa partikular, ang SBN 1877 ay magpapalawig ng implementation lifeline rate mula 20 taon hanggang 30 taon. Ang mga Household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at marginalized end-users na idedetermina sa pamamagitan ng criteria ng Energy Regulatory Commission, ang mabibiyayaan ng lifeline rate.
Sa ilalim ng EPIRA law, ang lifeline rate ay discounted rate na ibinibigay sa low-income consumer na kumokonsumo ng hanggng 100 kWh ng koryente kada buwan.
Ang diskuwento ay idedetermina base sa average ng buwanang konsumo ng koryente na maaaring i-apply nang hanggang 10 taon at ikakarga ng higher-income consumers.
“Many Filipinos have been benefitting from the Lifeline Rate, and it is my position that if we extend the period of exempting qualified marginalized end-users from the cross subsidy phase-out, it will redound to the benefit of our poor Filipino brethren,” sabi ni Go.
“Let us always prioritize our people over profits. Sa karamihan ng ating mga konsumers, buhay at kinabukasan mismo ang nakasalalay dito,” dagdag niya. (PFT Team)