Advertisers
KALABOSO ang isang government employee nang masakote sa operasyon kontra droga ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit (PPDEU/PIU) sa Barangay Poblacion IV, Peñaranda, Nueva Ecija nitong Linggo.
Kinilala ang nadakip na si Larry Torres,alyas Puga, 48 anyos, ng nasabing barangay.
Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 265 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,800,000.(PFT team)