Advertisers

Advertisers

Kandidata sa summa-cum laude pinagnakawan, pinatay ng ex-bf ng utol

0 282

Advertisers

PINATAY at pinagnakawan ang isang estudyanteng kandidata sa pagka-summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Education sa Olongapo City
Kinilala ang biktima na si Jennifer dela Cruz, 20, na pinaslang sa tinutuluyan nitong bahay nitong November 2.
Itinuturing na salarin sa krimen si Ronnel Covarrubias, dati umanong nobyo ng kapatid ng biktima.
Ayon sa ulat, tinangay ng salarin ang perang aabot sa P4,000 at alahas na nagkakahalaga ng P80,000. Tumakas ang salarin pero naaresto kalaunan sa San Marcelino, Zambales.
Nahaharap si Covarrubias sa kasong robbery with homicide.(PFT team)