Advertisers

Advertisers

GLOBE NAKAKUHA NG 250+ PERMITS NOONG OKTUBRE PARA MAGTAYO NG KARAGDAGANG CELL TOWERS

0 328

Advertisers

NAKAKUHA ang Globe ng 252 permits mula sa local government units para punan ang target nitong magtayo ng mga karagdagang cell towers sa key areas sa bansa sa huling quarter ng taon.

Ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Bulacan, Isabela, South Cotabato, Pangasinan, Misamis Oriental, at Bataan ang nagbigay ng pinakamaraming permits sa hanay ng mga lalawigan habang ang Manila, Mandaluyong, at Paranaque ang nanguna sa mga lungsod noong Oktubre.

“We are always grateful for the support of these LGUs that recognize our network expansion efforts because at the end of the day, their constituents will be the main beneficiaries of better connectivity and wider coverage,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.



Ang Cavite ay nag-isyu ng 30 permits, Batangas ng 20 at nagdagdag ang Laguna ng 19 pa. Hindi naman bababa sa limang permits ang inisyu ng Rizal, Bulacan, Isabela, South Cotabato, Pangasinan, Misamis Occidental, Bataan, at Cagayan.

Nanguna ang Manila sa listahan ng mga lungsod na may 12 permits, kasunod ang Mandaluyong na may 10 at Paranaque na may 6.

Sa kabuuan, ang Globe ay nakakuha ng kahit isang permit sa 27 lalawigan at 25 lungsod, kabilang ang South Cotabato, Misamis Occidental, Guimaras, Antique, Agusan del Sur, Abra, Daangbantayan, at Minglanilla sa Cebu.

Naglatag ang kompanya ng isang 3-pronged strategy para sa network upgrades at expansion nito, na kinabibilangan ng agresibong pagtatayo ng cell sites, pag-upgrade sa cell sites nito sa 4G/LTE gamit ang iba’t ibang frequencies; at pagpapabilis sa fiberization ng Filipino homes sa buong bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">