Advertisers
KESA mag-abala pa itong si dating Senador Bongbong Marcos sa pag-apela sa Korte Suprema ng kanyang pagkatalo kay Bise Presidente Leni Robredo noong 2016, makabubuti na paghandaan niya nalang ang 2022 election.Lumaban nalang siya sa pagkapangulo, wag na bise presidente.
Lunes ng umaga, Nobyembre 9, sumugod si Marcos sa Korte Suprema para maghain ng mosyon. Hinihiling niya ang pag-inhibit si Associate Justice Marvic Leonen sa election protest laban kay Robredo.
Si AJ Leonin kasi ang may hawak ng apela ni Marcos matapos.
Ang Korte Suprema na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) ay hindi pa naglalabas ng final result ng electoral protest ni Marcos laban kay Robredo. Ang recount ay nagsimula noong 2018.
Maliban dito, hinihiling din ng kampo ni Marcos sa Commission on Election na ideklara ang failure of election sa ilang bahagi ng Mindanao.
Si Solicitor General Jose Calida, isang Marcos loyalist, ang nagpupursige sa COMELEC na ideklara ang failure of election sa ilang parte ng Mindanao.
Nauna nang inanunsyo ng COMELEC na walang nangyaring anumang kaguluhan nung eleksyon sa Mindanao. Kaya walang dahilan para magdeklara ng failure of election sa alin mang parte nito.
Si Calida ay hindi na dapat nakikialam sa usaping ito dahil isa na siyang abogado ng gobyerno. Makabubuti sa kanya na mag-resign muna as SolGen at pamunuan ang atake ni Marcos kay Robredo.
Si Calida ang nagmaniobra sa pagpa-impeach kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno vs “Quo Warranto”. Tinangka niya ring ibalik sa selda si dating Senador Antonio Trillanes sa pamamagitan ng pagpawalang bisa sa Presidential Pardon ng dating renegade soldier, but this time ‘di siya umobra sa mas astig na “Trililing”.
Kung tutuusin maraming kakaharaping kaso si Calida. Tulad ng conflict of interest, pagkopo ng kontrata ng kanyang security agency sa mga ahensiya ng gobyerno; at disallowances na inisyu ng CoA sa Office of the Solicitor General. Mismo!
Balikan natin si Bongbong Marcos, again… kesa magsayang siya ng oras at panahon sa electoral protest niya vs Robredo, paghandaan niya nalang ang 2022. Sukatin niya uli ang kanyang bilang sa masa. Kung sa tingin niya ay siya ang ibinoto ng nakararami sa pagka-VP nung 2016, makukuha niya uli ito sa 2022. Presidente na ang kanain para hindi masayang ang pagod niya. Dahil ang VP ay “spare tire” lamang, walang gamit hangga’t ‘di napa-flat ang Presidente lalo kung ‘di niya kaalyado ang huli.
***
Nagsimula nang kumalat ang post na ‘Agila ng South at Agila ng North 2022.
Ito’y patungkol sa tandem ng taga-Mindanao at taga-Luzon Norte. Sara-Bongbong daw ito. Puede!
Pero sa mga nababasa ko sa mga komento sa social media, sa Facebook at Twitter, mukhang mas marami ang ayaw na sa Duterte. Nagising na raw sila sa mga pangako at paulit-ulit na statements ni Pangulong Rody Duterte na walang katuparan at walang direksyon. Puros lang daw salita si Durerte, puros hingi ng emergency power, ng pera, pero pagdating ng mga kalamidad, siya’y nawawala! Oo nga. Hehehe…
Si Sara ay nag-iikot na ngayon. Sumusulpot na siya sa mga nasalanta ng kalamidad, namimigay ng relief goods at mga materyales para sa pagbangon ng mga naapektuhan ng kalamidad.
Si Robredo ay wala namang humpay sa kaiikot, pamimigay ng tulong simula pa 2016 kahit kapos sa budget ang kanyang tanggapan. Umaasa lang siya sa mga donasyon ng mga pribadong kumpanya.
Surely, ang labanan sa 2022 ay Leni vs Sara! Sino pick nyo?