Advertisers
NASAWI ang dalawang riders nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa South Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Larino Odong Tawi, 25, ng Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato; at Ronnie Palibayan, 32,ng Purok Mesias, Brgy. Paraiso, Koronadal City.
Sa report, 5:15 ng hapon nitong Linggo nang maganap ang insidente sa national highway ng Purok Mesias, Brgy. Paraiso.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Tawi ang kanyang Honda XRM motorcycle nang makasalubong niya si Palibayan na minamaneho naman ang Honda CB125 motorcycle. Kapwa sila tumilapon sa sementadong kalsada.
Kaagad dinala sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalawa pero nalagutan rin ng hininga