Advertisers

Advertisers

P377-M nalang utang ng PhilHealth sa PRC

0 249

Advertisers

NASA P377-milyong na lamang ang nalalabing utang o balanse ng PhilHealth sa Philippine Red Cross.
Ito ang inihayag ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, matapos na makapagbayad ang ahensiya ng nasa P700 milyon. Saad ni Baleña, plano rin ng PhilHealth na magpalabas ng P100 milyon kada linggo bilang bayad sa kanilang pagkakautang sa ibinigay na serbisyo sa COVID-19 testing ng Red Cross.
Samantala, nagpasalamat naman si Baleña sa Philippine Red Cross sa pagbabalik-operasyon ng kanilang COVID-19 testing matapos makapagbayad ang PhilHealth ng kalahati. (Josephine Patricio)