Advertisers
BINTANGAN ng dayaan sa halalan. Di na ngayon sa Pilipinas lang, maging sa superpower na Estados Unidos ay gumugulantang.
Dito sa ‘Pinas, dagdag-bawas-flying voters-vote buying, bumobotong patay at harassment ang talamak na estilo ng mga pulitiko upang manalo sa eleksiyon. Guns, goons and gold. Dahil tayo ay developing o mahirap pang bansa, ‘matic na magamit ng mga switik ang mga maralitang botante sa pandaraya.
Mananalo ang mas tuso at may pera lalo na kung dikdikan ang laban. Ang agrabyado, di tatanggap ng resulta at ipagsisigawang dinaya siya. Kung may ipanlalaban pang perang natitira sa kanyang lukbutan, magpo-protesta ito para sa recount. Ang siste, magiging usad-pagong o snail paced ang galaw ng electoral protest at mamumuti ang mata ng konsernado bago magkaalaman ng desisyon.
Parating na ang susunod na eleksiyon, wala pa ring resolusyon kung sino ang tunay na may proklamasyon.
Balewala sa isang nanalo ng ‘by hook or by crook’ kahit tawagin siyang FAKE winner habang ang pobreng nagrereklamo na gumastos na ng sagaran mula sa kanyang kaban ay walang magawa kundi hintayin nalang ang katotohanang siya ang tunay na nagwagi at siyang ibinoto ng tao kahit oras na ng muling pagtakbo.
Marami ang mga tulad nilang nadaya na iyong iba ay di na kinaya ang dumi ng pulitika mula sa lokal na eksena hanggang sa national position na pinagtutunggalian. Sa ganitong talamak na sistema ng dayaan sa halalan, ang tunay na TALO ay ang sambayanan. ONLY IN THE PHILIPPINES.
Ironically, ang USA na pinaka-makapangyarihang bansa sa mundo, superyor sa teknolohiya, sagana sa pera at di raw nabibili ang konsensiya at karapatan bilang proud na Amerikano kaya hinahangaan sila noon sa larangan ng halalan. Oras lang ang lilipas ay alam na agad sa buong daigdig kung sino ang panalong presidente ng U.S of A! Maginoong nagko-concede ang talunan kaya wala nang hidwaan.
Pero iba ngayon ang laban, masyadong dikit. May nagdedeklara na ng panalo habang may nagrereklamo nang dayaang nangyayari pagdating sa bilangan ng boto. Kung meron mang proklamado na sa sandaling ito, nabahiran pa rin ang pinagmamalaking patag na playing field ng lupain ng mga ‘kano, ’tisoy at. ‘egoy tulad ng sa ‘pinoy.. ELECTION FRAUD, RIGGED, LEGAL or ILLEGAL etcerera… ONLY IN THE PHILIPPINES NO MORE!
SHOUTOUT sa ating mga kaisport diyan sa China Bank Savings, Evangelista Branch sa Bangkal, Makati City especially kay Ms. Roselle Munsayac- ang gorgeous Branch Manager na bukod sa pagiging pinagpipitagang executive ay hanga ang korner na ito sa kanyang adbokasiya para sa kabaro niyang KABABAIHAN.
Abangan ang pagtatag ng isang noble foundation for women empowerment sa bansa anumang sektor at antas sa buhay na kinabibilangan bilang PINAY. Kudos to G. Alvin Orobio – new accounts head, Service head Ms. Kristine Perez at teller Ms. Ellen Mendoza Tayo nang mag-impok sa kombeniyente, magiliw at state-of-the-art banking service ng CBS…now na!!! Belated birthday greetings kay businessman / sports patron Daniel ‘Boy Francisco ng Spare ‘n Strike Resto diyan din sa Evangelista…JAM NA!