Advertisers

Advertisers

Libreng dialysis sa PhilHealth members binawi

0 240

Advertisers

TILA atras-abante ang naging pahayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa libreng dialysis para sa mga miyembro nito.
Ito’y makaraang maglabas ng pahayag ang ahensya na sasagutin nito ang dialysis ng mga pasyenteng miyembro nito kahit lagpas na sa 90 sessions.
Una rito, inihayag ni PhilHealth Spokesman Rey Baleña na tatagal sana ang libreng dialysis hanggang Disyembre 19 alinsunod na rin sa Bayanihan 2 Act.
Gayunman, binawi rin ng PhilHealth ang naunang pahayag nito hinggil sa libreng dialysis para sa kanilang miyembro ilang oras lang mula nang mailathala ito sa mga online news sites. (Josephine Patricio)