Advertisers

Advertisers

Bumandera ang tarps ng mga epalitiko sa Bicol

0 290

Advertisers

UNA sa lahat, binabati natin ang mga Kano at ang mga kababayan nating American citizens sa bago nilang Presidente.

Naituwid na ng mga Kano ang kanilang pagkakamali noong 2016. Pinatalsik nila ang sira-ulong Presidente, si Donald Trump. Sana all… Hehehe…

Nahalal na bagong Pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo si Joe Biden.



Si Biden ay isang batikang senador at dating bise presidente ni Barack Obama. Sa pagkahalal sa kanya, siya na ang pinakamatandang pangulo ng USA sa edad na 77.

Ang tanong ngayon: Magiging maayos naman kaya ang rela-syon ni Pangulong Rody Duterte kay Pres. Biden? Eh pinagmumura ni Duterte si Obama noong patapos na ang termino ng huli.

Well, patapos narin naman ang termino ni Duterte. Ang pokus ngayon ay 2022 na! Sino kaya ang susuportahan ng Amerika sa mga kakandidato sa pagka-pangulo ng Pilipinas? Sigurado hindi ito papanig sa iendorso ni Duterte. Mismo!

***

As expected… nagkalat ang tarpaulins ng mga epalitiko sa Bicol region matapos daanan ng mapaminsalang bagyong Rolly last week.



Bumandera sa Camarines Sur ang tarps ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nang sumilip ito roon. Pero ang nagkabit ng tarps ay ang mag-utol na Governor Migz at Cong. LRay Villafuerte.

Sumunod naman ang umiikot na tarps nina Senador Bato dela Rosa at Sen. Bong Go na namigay din naman ng relief goods.

Ang napansin lang ng mga taga-Bikol ay si Vice President Leni Robredo na naunang mag-ikot at mamigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo rito. Hindi raw sila nakakita ng anumang tarpaulins ng bise presidente gayung balwarte pa niya ang Bikol.

Ang sagot ko rito: Hindi kasi pa-epal si Leni, trabaho lang siya. Take note: Hindi taxpayers money ang ipinamamahagi ni Leni. Walang budget ang kanyang opisina para sa relief goods. Lahat ng ipinamimigay niya ay mula sa donasyon ng mga pribadong kompanya na naniniwala sa kanyang katapatan.

Ang opisina ni VP Leni ay binigyang ng pinakamataas na grado ng Commission on Audit (CoA) bilang walang bahid ng korapsyon.

Ano kaya kung mag-ala Joe Biden itong si VP Leni, maging Presidente sa 2022 mula sa pagiging underdog? Ano kayang gagawin nitong mag-utol na Villafuerte na obviously ay sumisipsip sa Presidential daughter na malamang ay makakalaban ni Leni sa pagkapangulo sa 2022?

Subaybayan!

***

SI Major General Debold Sinas mula sa NCRPO na ang sunod na PNP Chief, kapalit ng magreretiro bukas na si Camilo Casco-lan na magseselbreyt ng kanyang ika-56 kaarawan. Happy b’day, Chief!

Mas ginusto ni Pangulong Duterte si Sinas para Chief PNP kesa kina Lt. General Guillermo Eleazar, Lt. Gen. Cezar Hawthorne Binag at Maj. Gen. Jose Vera Cruz na mas magaganda ang accomplishments.

Well, hindi na kasi pagandahan ng accomplishments ang pagtatalaga sa Chief PNP. Basta kung sino ang may mas malakas na backer sa Pangulo, siya ang mapupuwesto. Remember Ronald Bato dela Rosa, senador ngayon? From nowhere naging Chief PNP siya dahil bata siya ni Pangulong Duterte.

Ganito rin ang nangyari kay Sen. Ping Lacson, kernel palang siya noon nang hatakin ni President Erap para gawing Chief PNP. Yun nga lang, ‘di marunong tumingin ng utang na loob si Ping. Kinalaban pa siya sa halalan sa bandang huli. Hahaha…

Keep safe, mga suki!!!