Advertisers

Advertisers

BANGKAY NG PAMANGKIN NG LIDER NG ASG NATAGPUAN PALUTANG SA DAGAT!

0 211

Advertisers

NAREKOBER na ang katawan ng isa sa pitong miyembro ng teroristang Abu Saayaf Group na napatay sa sea encounter noong Martes, November 3, sa may bahagi ng Sulare Island sa Sulu.
Kinilala ang narekober na bangkay na si Dave Sawadjaan, pamangkin ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan, pinsan ni Mundi Sawadjaan at kapatid ng napatay na si alias Urot.
Ayon kay Joint Task Force Sulu commander M/Gen. William Gonzales, 2:00 ng hapon nitong Sabado nang makita ang bangkay sa may karagatan ng Barangay Kangalan, Tapul, Sulu ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces kasama ang mga tauhan ng PNP at mga mangingisda sa lugar.
Sinabi ni Gonzales, base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon at dental forensics, nakita ng 2nd Special Forces Battalion ang katawan ni Dave na palutang-lutang sa Tapul Island, may layong 20 kilometro east sa encounter site.
Batay sa initial forensic, tugma sa description na si Dave Sawadjaan ang bangkay na bungal at walang ngipin sa harap.
Nagtamo ito ng mga tama ng baril sa tiyan na lumabas sa hips nito. (Mark Obleada)