Advertisers

Advertisers

ASG pumalag sa search warrant, bulagta

0 221

Advertisers

NAPATAY ng mga elemento ng Philippine National Police Ant- Kidnapping Group (PNP- AKG) ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang napatay na si Salip Adzhar Alidjam alias Aya, miyembro ng ISIS/ASG KFRG ng Barangay Musso, Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, director PNP AKG, 5:45 ng madaling nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PNP AKG Mindanao Field Unit sa pamumuno ni Lt Col Clarence Gomeywc sa Brgy. Musso.
Base ang operasyon sa search warrant na ipinalabas ni Hon. Vicente D. dela Plaza II, RTC Branch 36, 9th Judicial Region, Ipil, Zamboanga Sibugay sa paglabag sa RA 10591 at RA 9165 laban kay Alidjam.
Sa ulat, positibong kinilala si Alidjam ni Herman Manggak, Indonesian national, na isa sa mga kumidnap sa kanya noong Nov. 2016. Pinalaya ang Indon nang magbayad ng P4 million ransom.
(Mark Obleada)