Advertisers
Good evening. Palagi ako bumibili ng Police Files Tonite. Nabasa ko palagi ang Paymaya pension ng mga senior citizen palagi nag-complaint. Totoo yon, marami kami naghintay hanggang ngayon. Wala pa ang grasya, ang labas disgrasya. PAMBILI ng mga gamot dahil ang ibang senior citizen nag-maintenance ng gamot araw araw. – Concern citizen
Yorme, kinumpiskang 2 bisiklita nina Kenneth Amurao ayaw ibalik sa may-ari
Hingi kami sana ng tulong at ang kaibigan ko na vendor, si Alvin Gimpes. Nung September 29, 2020 nag-clearing ang mga tauhan ni Kenneth Amurao sa Quezon Blvd, Quiapo, Manila. Iyong dalawang bisiklita na service sa hanapbuhay araw araw nakakadena sa harap ng Bicol Traiding kinuha ng mga tauhan ni Amurao, pinutol ng cutter. Gumawa kami ng sulat na na-received nila ang isang mountain bike na aloy at ang isang bisiklita na maliit kulay maroon, service ng pamangkin ni Alvin. Nang pumunta kami sa City hall Manila para kunin namin, hindi raw ibigay ni Kenneth Amurao. Meron kami hawak na sulat na ni received ng mga tauhan ni Amurao na sa kanila ang dalawang bisiklita. Maawa naman sila, magkano lang ang kikitain ng vendors ngayon, nagkalat nalang walang service. Sana tulong pamasko nalang mo, Mayor Isko Moreno.Thanks po,
(Editor: Ang mga nakukumpiska o nai-impound na mga bihikulo sa clearing ops ay pinatutubos lang, ‘di inaari. Tama ba, Mr. Amurao?)
Talamak na naman ang droga sa
Brgy 484, Sampaloc, Manila
Gud am po. Report ko dito sa Brgy 484 z48 Sampaloc, Manila ay talamak na po droga sa pangunguna nila ERNING, DIGON at JEFFREY na malalakas ang loob dahil bata raw ng pulis sa Stn 4 (MPD). Pati tuloy brgy 483 ay nadadamay sa bintang sa mga droga. Sana po ay maaksyunan na ito idol. Thank you po – Concerned citizen