Advertisers
NASAWI ang 2-anyos batang lalaki nang tamaan ng “boga” sa ulo na naiputok ng kalaro sa Aurora.
Kinilala ang biktima na si Ezequiel Ramirez.
Ayon sa ina ng bata, nakita nalang niya ang anak na may dugo sa noo at nanghihina na.
Hinala ng ina, nabaril ng kalaro ng boga ang kaniyang anak.
Isinugod ang bata sa isang ospital sa Aurora at kinalaunan inilipat sa isang mas malaking pagamutan sa Nueva Ecija.
Pero hindi raw maoperahan ang bata dahil walang sapat na pera ang kaniyang pamilya kaya humihingi sila ng tulong.
Sa ulat, nitong Miyerkules ng gabi, binawian na ng buhay ang bata.
Hindi pa makapagpasya ang ina ng biktima kung magsasampa ng reklamo laban sa nakapatay sa anak.(PFT team)