Advertisers
PATAY ang isang guro nang barilin sa loob ng barbershop sa Bangued, Abra.
Kinilala ang biktima na si Rodelio Claor.
Sa kuha ng CCTV na nasa labas ng barbershop, nakita ang pagdating ng salarin na mag-isa lang na sakay ng motorsiklo.
Ipinarada nito ang motorsiklo at inayos ang dalang baril bago pinuntahan ang biktima at binaril. Mabilis na tumakas ang salarin na hindi namukhaan dahil sa suot na bonnet at takip sa mukha.
Umapela ang awtoridad sa publiko na magsadya sa kanilang tanggapan kung may maibibigay silang impormasyon tungkol sa nangyari at pagkakakilanlan sa salarin.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen