Advertisers
MAARING magbigay ng impormasyon ang publiko sa mega task force na nag-iimbestiga sa korapsyon sa buong pamahalaan, ayon kay Department of Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar.
Ayon kay Villar, maaring ipatawag para tumestigo ang mga taong personal na may alam sa korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan sa oras na maihain na ang karampatang kaso sa mga tiwaling opisyal.
Maari naman aniyang humingi ng tulong sa DOJ para sa kanilang seguridad ang mga potential whistleblowers sa ilalim ng kanilang Witness Protection Program.
Wala aniyang dapat ikabahala ang mga ito sapagkat natitiyak nila ang buong suporta at tulong sa mga ito. (Josephine Patricio)