Advertisers

Advertisers

Nasaan na ang pera ng bayan para sa mamamayan lalo sa seniors?

0 465

Advertisers

SAAN NA KAYA NAPUNTA ANG PERA NG TAONG BAYAN NA TULONG PANGKABUHAYAN NA PINAGKALOOB NG ATING GOBYERNONG DU3O? NASAAN? BAKIT HINDI PAREHAS ANG MGA NAKAKATANGGAP? ANO BA ITO PALAKASAN? DYAN SA BAYAN NG MARIKINA MARAMING KAPUS PALAD LALO NA ANG MGA SENIOR CITIZEN NA MAY MGA MAINTENANCE NA GAMOT PANGHABANG BUHAY. HANGGANG NGAYON NGA NGA PARIN SILA. MAY MGA BALI- BALITANG HINTAYIN ANG TEXT NG DRAGON. EH! BAKA HINDI AYUDA ANG MATATANGGAP KUNDI SAPSAP NA NAIHAW NA GALING SA BUNGANGA NG DRAGON NGEK! MGA KAAWA-AWANG POBRE. NAKA-NGANGA NA, UMAASA SA IKALAWANG BUGSO NG SAP. – BOSES NG MASA

Yorme, palpak ang Paymaya!
Gud am. Isa rin akong taga-subaybay sa inyong kolum. Mabuhay po kayo! Totoo po mga text ng mga kapwa ko senior citizen na hirap kunin sa ngayon ang Paymaya na pinairal ni Mayor Isko Moreno. Buti pa nung Jan., Feb. at March sa mga brgy namin nakuha ang pera P1,500 sa mga chairman, pipicturan kami hawak ang P1,500, maganda. Itong nagdaang April, May, June, July, Agosto, Sept. hanggang ngayon wala parin kaming nakukuha sa Paymaya. Daming busisi, may password pa a-activate mo pa, magulo. Sana idaan nalang uli ni Mayor Isko Moreno sa mga brgy chairman ang binibigay na P500 buwan-buwan. Mga nanunungkulan sa Paymaya walang silbi yan. Sayang lang pinapasuweldo ng gobyerno sa kanila. Makarating sana kay Mayor Isko ang aming hinaing na to 2ngkol sa Paymaya. Maraming salamat po. – Senior citizen

Sayang ang ayuda ng gobyerno na pinangbibisyo lang
Good am po. Reklamo ko lang kay Chairman Mercy Cornejos ng Brgy. 357 Z-36. May botante sya nakarehistro pero sa bangketa natu2log. Vic ang pangalan, payat na maputi ang buhok, nakakuha ng SAP inubos sa inom at nambabae pa. Tanda na. Malakas daw kay Chairman eh. Me padating pa raw bago SAP at Paymaya. Bata raw sya ni Chairman. Dapat mga klase ng taong ito di binibigyan ng ayuda. Salamat po. – Concerned citizen

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">