Advertisers

Advertisers

Mister huling may ka-chat ang misis, tinadtad ng saksak

0 274

Advertisers

PINATAY sa saksak ng isang mister ang kanyang misis nang mahuli itong may ka-chat na lalaki sa Bayambang, Pangasinan .
Kinilala ang biktima na si Geneva De Guzman, 25 anyos. Nadakip naman ang salarin nitong mister na si Ronmel De Guzman.
Sa ulat, umuwing lasing si Ronmel sa kanilang bahay sa Barangay Zone 6 at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang kaniyang asawa.
Nagalit umano ang mister nang mahuli nitong may ka-chat na lalaki ang misis.
Nais ng ama ng biktima na makulong habambuhay ang manugang nito.
(James de Jesus)