Advertisers
NASAWI ang 43-anyos na mister nang barilin ng pulis sa Barangay Sagrada Familia, Dumarao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Renato Pampag, 43-anyos, ng naturang lugar.
Ang salarin ay kinilalang si Patrolman Mamerto Arellano.
Sa ulat, mayroon nang dating alitan dahil sa lupa ang dalawa.
Lumabas sa autopsy result ng biktima na nagtamo ito ng sugat sa ilang parte ng katawan dahil sa limang tama ng bala ng 9mm na baril.
Ayon sa report, habang naglalakad sa daan ang salarin kasama ang biyenan at pamangkin nito nang tinambangan sila ng biktima. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa kungsaan sinubukan pa ni Pampag na tagain si Arellano na mabilis namang bumunot ng baril at pinutukan ang biktima.
Si Arellano ay aktibong miyembro ng Negros Provincial Mobile Force Company ng Philippine National Police sa Negros Occidental.