Advertisers

Advertisers

Kris bye Kapuso, hello Kapamilya; Heart inamin, may kaaway na kapwa artista

0 282

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ISANG celebrity ang inamin ni Heart Evangelista na nakaaway niya na.

Ayaw na idetalye at pangalanan pa ni Heart kung sinong celebrity ‘yun at baka nga raw dagsain ito ng hate comments.



Knows naman ni Heart kung paano rumesbak ang mga followers ng nasabing celebrity na nakaaway ng una.

Sa pag-amin nga ni Heart na ‘pag may nakaaway nga raw ay talagang dama mo ang pagkabalisa at ‘di mapagkatulog at ‘di maganda sa feeling.

Sakit nga raw sa ulo at dibdib kaya naman si Heart ay ayaw na nito na may nakakaaway  partikular sa showbizlandia.

Nakaalitan na rin nito dati si Marian Rivera nang gawin nila ang movie na Temptation Island pero nagkabati at nagkaayos na sila.

Kaya para kay Heart ay iba pa rin ‘yung may peace of mind lalo na sa gabi.



Sarap nga raw ng feeling na walang kaaway o kasamaan ng loob na mga kapwa taga-showbiz.

Dahil hindi raw carry ni Heart  na may kaaway dahil mabigat sa dibdib at gusto na lang nito na maging friendly sa lahat.

***

FREELANCER na maituturing si Kris Bernal na matapos na ma-expire ay wala nang pag-renew na balita sa kontrata ng aktres sa GMA7.

May 13 years  daw na GMA Talent Artist si Kris kaya masasabing exclusive ito sa nasabing network.

Nakapag-guest na nga ito sa TV-5  dahil wala na itong kontrata sa Siyete. Pero may sitsit ang aming chikabelle na tila naispatan ang name ni Kris sa serye na Ang Sayo Ay Sakin na gagampanan daw nito ang karakter ni Aaliyah Pineda.

Kaya tanong ng netizens, puwede naman daw na  Kapamilya na nga ba si Kris?

Isa ring mahusay na aktres si Kris na tiniyak ng kanyang followers na hindi naman daw ito magpapasapaw sa serye na sasalihan.

Dahil kung akting din lang ay batak na si Kris at bihasa na ito sa mabibigat na eksena. Kapag nasilayan nga raw sa nasabing serye si Kris ay Kapamilya na talaga ito.

Well, well, well… ‘Yun na!