Advertisers
NANINDIGAN muli ang Malakanyang na handang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, handa ang Pangulo na tumalima sa konstitusyon na isapubliko ang kanyang SALN.
Saad pa ni Roque, inirerespeto lamang ng Pangulo ang guidelines na inilabas ng Office of the Ombudsman kung saan hindi pinayagan ng Ombudsman ang mga request na ilabas ang mga SALN ng mga opisyal ng walang pahintulot ng mga ito. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)