Advertisers

Advertisers

Gabbi at Khalil nagpakilig sa kanilang Halloween costume

0 253

Advertisers

Ni BKC

NANGIBABAW ang kilig kaysa takot ng fans dahil sa nakatutuwang Halloween costumes ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos bilang corpse bride at zombie groom.

Ito ang getup ng dalawa sa naging intimate Halloween party kasama ang kanilang mga friends from the “Nguya Squad.” Umani naman ng positive feedback mula sa netizens ang social media posts ng #GabLil. Talaga nga raw “Relationship Goals” sila.



Sey ng isang fan, “Nakakainis talaga ‘tong mag-jowa na ‘to. I’m fine being single pero nakaka-inggit kayong dalawa!”

Samantala, inaabangan na rin ng mga #GabLil fan ang upcoming mini-series na pagbibidahan ng dalawa na ‘Love You Stranger’ sa GMA Public Affairs.

***

Prima Donnas teen stars, may bagong pinagkakaabalahan ngayong quarantine

Hindi lang sa aktingan may ibubuga ang teen stars ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ dahil may bagong talento at hobbies din silang nadiskubre at pinagkakaabalahan ngayong quarantine.



Sa kanilang guesting sa Kapuso ArtisTambayan, masayang ikinuwento nina Jillian Ward, Elijah Alejo, Vince Crisostomo at Will Ashley ang ilan sa mga nadiskubre nilang hobbies at talents simula nang ipatupad ang community quarantine.

“Na-discover ko sa sarili ko na kaya ko palang gumawa ng kanta at choreography,” pagbabahagi ni Will na game na ring nagbigay ng sample ng kanyang isinulat na kanta.

Sey naman ni Jillian, “Ako rin po, actually, nakapagsulat na rin po ako ng mga kanta. Natuto na rin po akong sumayaw, somehow. Natuto rin po akong mag-work out at alagaan ‘yung sarili ko. Natutunan ko rin po na mag-drawing lalo. At sa pagkanta, marami po kong natutunan na techniques.”

Nawili naman daw si Vince na maglaro ng online games, “Mas na-discover ko ‘yung mundo ng gaming. Ngayong quarantine lang ako napaglaro mostly ng online games kasi I prefer sports, physical games and outdoor activities. Ngayong quarantine, syempre hindi makalabas kaya nag-focus ako sa paglalaro ng online games.”

Pagpipinta naman ang nakahiligang gawin ni Elijah, “More on hobby po kasi noong nagsimula po ‘yung lockdown, wala po ako maisip na gawin. Minsan nagi-scroll po ako sa social media, napabili po ako ng paint by number kits.”

Samantala, huwag palampasin ang much-awaited fresh episodes ng Prima Donnas na mapapanood simula ngayong Lunes (Nobyembre 9) sa GMA Afternoon Prime.

***

Julie Anne San Jose tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng music career

Bongga talaga ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose. Nominado si Julie sa mga kategoryang  ‘Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year’ at ‘Wish R&B Song of the Year’ sa 6th Wish Music Awards.’

Bukod dito, isa pang magandang balita ang ibinahagi ng Universal Records sa kanilang Twitter account dahil mayroon nang mahigit 120 million streams ang mga kanta ng award-winning artist sa Spotify.

Kahanga-hanga rin ang performance ni Julie Anne sa music video ng local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon.  Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 246k views sa official Facebook page ng Netflix Philippines.

Congratulations, Julie Anne!