Advertisers
KALABOSO ang isang babae na hindi nagsuot ng face mask at face shield nang mahulihan ng shabu sa Barangay Malanday, Marikina City.
Kinilala angdinakip na si Rowena Galanta, 33-anyos.
Ayon kina Barangay Tanod Maria Joy Recluta at Dexter Beltran, mahigpit nilang ipinatutupad ang city ordinances sa kanilang nasasakupan nang maispatan nila si Galanta na hindi nakasuot ng face mask. At nang kapkapan ay nakuhanan ito ng 0.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400.(Gaynor Bonilla)