Advertisers
Palpak sa dilang palpak ang naging kawalang aksyon ng pamunuan ng Barangay Buhay Na Tubig d’yan sa Imus, Cavite.
Ang siste, isang ginang na nawalan ng kanyang mamahaling celfone ang dumulog sa nasabing barangay noong Oktubre 27 taong kasalukuyan.
Nais sana ng di na natin papangalanang ginang na sana ay samahan siya ng mga taga-Barangay Buhay Na Tubig upang puntahan ang isang lugar kung saan doon itinuturo ang kanyang nawawalang celfone dahil sa Google Account nito na activated pa rin.
Ang mga ganitong cellphone application or app ay upang ma-detect ang kinaroroonan ng isang cellphone unit na ninakaw o nawawala.
Ngunit sa di malamang kadahilanan, di umano sinamahan ng mga taga-barangay ang ginang dahil ayon umano sa isang barangay officials na naroroon ay di umano accurate ang google account application kung ang pagtukoy o pag-trace sa nawawalang celfone ang pag-uusapan.
To cut the story short, umuwi ng dismayado at lulugu-lugo ang ginang sa kawalang malasakit ng kanyang dinulugang barangay.
Di natin maisip ang naging malatubang reaksyong ito ng Barangay Buhay Na Tubig sa hinaing na ito ng ginang.
Di natin mawari kung tinatamad nga lamang bang samahan ng mga taga-barangay ang ginang o sadyang di alam ng mga ito ang protocol o ang kanilang itinakdang responsibilidad sa mga ganitong pagkakataon.
Nakatadhana sa code of conduct and responsibilities ng mga opisyal at miyembro ng isang barangay na aksyonan, tulungan, asistihan at respondehan ang sino mang taong lumapit sa kanilang tanggapan na nanghihingi ng tulong regardless kung constituents man nila ito o dayo sa kanilang lugar.
Failure to act accordingly is tantamount to dereliction of duty as government official.
May kaparusang katapat ito ayon sa DILG at Civil Service Commission (CSC).
Ang isa pang nakakabuwisit dito ay nang magbalik sa barangay hall ng Buhay Na Tubig ang nagreklamong ginang two (2) days after, October 29 upang manghingi ng incident report na kakailanganin nito sa pagkawala ng kanyang celfone nung araw na iyon.
Wala umanong incident report na ginawa ang mga barangay official ng Buhay Na Tubig na isang standard operating procedure (SOP).
Isa na namang pagkakamali ito (blunder) sa SOP lalo na nang sabihin ng isang kagawad duon na i-antedate na lang nila ang petsa sa gagawing “incident report”.
Sinabi pa ng mga taga-barangay na dapat sana ay nagpa-blotter ang ginang nang magtungo ito sa nasabing barangay upang manghingi ng barangay assistance.
Mukhang mali uli ito dahil di responsibilidad ng nagrereklamo na magpa-blotter.
Tungkulin ito ng taga-barangay lalo pa at ang sitwasyon at kondisyon ng nanghihingi ng tulong ay nagugulumihanan at di normal.
Ang inisyal na pagtanggi ng barangay Buhay Na Tubig na samahan at ayudahan ang nagrereklamong tao lalo pa ito ay kanilang lehitimong constituents ay paglabag sa batas.
Ang iginigiit ng barangay Buhay Na Tubig na ang incident report umano at blotter ay iisa at magkapareho ay isang malaking kabobohan.
Pinapakita lamang sa senaryong ito na di alam o tiyak ng mga barangay officials ng Buhay Na Tubig ang kanilang sinasabi o ginagawa.
Ang mga ganitong sablay sa pagtugon sa mga karaingan at pangangailangan ng tao ay isang direktang kapabayaang maituturing.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com