Advertisers

Advertisers

Assunta at Ryza sabay halos nanganak sa kanilang 1st baby

0 228

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

ITINUTURING ng mag-asawang Assunta de Rossi at former congressman-businessman na si Jules Ledesma na miracle baby ang isinilang kamakailan na si Baby Fiore.

Sa tagal kasi ng pag-aantay nina Assunta at Jules na umabot ng 20 years na mabiyayaan sila ng sarili nilang anak ay ngayon lang ito nabigyan ng katuparan kaya may kapatid na ang mga anak ni Jules sa una nitong asawa.



Very close kay Assunta ang kids ng kanyang mister na itinuring niyang parang mga anak na rin niya. Samantala, after Assunta ay si Ryza Cenon naman ang nagsilang ng baby nila ng boyfriend na si Miguel na pinangalanan nila ng Baby Night.

Well, baka kaya ito ang ipinangalan ni Ryza sa anak ay dahil gabi nag-deliver si Ryza.

***

Congw. Vilma Santos Nag-Celebrate ng Birthday With Family; Nakiramay Sa Pamilya ng Showbiz Columnist-Vlogger Na Si Abe Paulite

Birthday ng actress-politician na si Vilma Santos last Nov. 3 at cinelebrate niya ito with her family at nagbigay pa ito ng mensahe sa pamamagitan ng video sa kanyang Vilmanians na mag-ingat dahil buhay pa rin daw ang coronavirus sa ating paligid.



Yes, ganyan magmahal at magmalasakit si Ate Vi sa kanyang fans and supporters, kaya naman love na love siya ng mga ito.

Darling of the Press din si Ate Vi sa maraming entertainment media at maging ang kaibigan naming matalik at co-host sa Chika Mo, Vlog Kabog na si Abe Cana Paulite na namayapa at nailibing na last week ay dinamayan ng Star for All Seasons.

Yes, sa pamamagitan ng text messages ay nagpahatid ng pakikiramay si Ate Vi sa naiwang pamilya ni Abe at nag-abot pa siya ng tulong para sa pandagdag-bayad sa funeral service nito.

Hindi sobrang close sa kanya si Abe at nagkikita lamang sila  tuwing nag-iimbita siya na kasama kami ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr. at mga chore group.

Pero hindi pinagkaitan ni Ate Vi ng tulong at pagmamahal ang kaibigan naming ito na kapiling na ni Lord ngayon. To Ate Vi, maligayang kaarawan and God bless you more sa iyong kindness.

***

Coca-Cola May Pamaskong P15K Sa Dabarkads Sa Eat Bulaga

Ang Eat Bulaga kasama ng kanilang mga sponsor ang madalas namimigay ng Maagang Pamasko sa kanilang mga manonood mula Luzon, Visayas at Mindanao.

At bilang pasasalamat ng Coca-Cola na bumabati sa lahat ng Merry Christmas, mga Dabarkads, siguraduhing may Coke sa inyong bahay dahil pwede kayong manalo ng 15,000 pesos!

Imagine, napawi na ang iyong uhaw sa pag-inom ng paborito mong Coke ay may chance ka pang magwagi ng tumataginting na P15K. Basta kasalo mo ang Eat Bulaga at ang Coca-Cola,  mas masaya ang Pasko!

Abangan din ang ipinamimigay araw-araw ng programa sa Takbuhan Sa TV at Juan For All, All For Juan anywhere in the Philippines na agad-agad na ibinibigay ng napanalunang cash sa Palawan Express.